Kainuman inutas ng tanod

CAVITE , Philippines   â€“ Kamatayan ang sumalubong sa isang magsasaka makaraang barilin ng kanyang kainumang barangay tanod na sinasabing napikon sa pakikipagtalo kamakalawa ng gabi sa Barangay Litlit, bayan ng Silang, Cavite. Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Arjay Delena ng Sitio Gulod sa nasabing bayan habang tinutugis ng pulisya ang suspek na si Manny Lara ng nasabing barangay. Nabatid na napikon ang suspek sa tinuran ng biktima na nauwi sa sigawan kung saan naawat naman ng isa sa kainumang si Arnold Gonzales. Gayon pa man, umalis ang suspek at nang bumalik ito ay pinutukan ng baril ang biktima.

 

Show comments