CAVITE, Philippines – Humihimas ngayon ng malamig na rehas na bakal ang isang manyak na lolo makaraan nitong gahasain ang isang 14-anyos na dalagita sa kamakalawa sa Cavite City.
Ipinagharap ng kasong rape at pang-aabuso sa bata ang suspek na si Bayani dela Cruz, 59 anyos, walang hanapÂbuhay ng Brgy. II, Dalahican ng lungsod.
Inaresto ang suspek matapos ireklamo ng biktimang itinago sa pangalang Jingjing na sinamahan ng kaniyang mga magulang sa Children’s and Women’s Protection Desk ng Cavite City Police. Sa salaysay ni Jingjing, pauwi na siya sa kanilang bahay ng imbitahan ng suspek na ililibre ng pagkain sa isang restaurant pero sa Aloha motel umano siya dinala ng matanda. Wala namang nagawa ang biktima matapos na halayin ng manyakis na lolo. Nadiskubre ang panghahalay ng suspek matapos na usisain ng kaniyang ina ang umiiyak na biktima na binantaan pang papatayin ng matanda kapag nagsumbong.