Muslim prexy itinumba

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang 53-anyos na pangulo ng Muslim Community  habang natutulog sa kanyang bahay sa Purok 3, Brgy San Juan Accfa ng lungsod na ito, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Pakaambong Hadji Amen, may-asawa, ng Barangay San Juan Accfa, nagtamo ng dalawang tama ng bala sa ulo na siyang daglian nitong ikinamatay.

Ayon kay P/Supt. Pedro Soliba, hepe ng pulisya rito, nagpapahinga sa kanyang bahay ang biktima dakong alas-2:30 ng hapon nang pagbabarilin ng dalawang naka-motorsiklong lalaki na mabilis namang nagsitakas. Isinasailalim pa sa masusing imbestigasyon ang motibo ng krimen.

 

Show comments