Mag-utol todas sa bike mishap

TUGUEGARAO CITY, Philippines- Patay ang isang mag- utol makaraang aksidenteng sumalpok sa  bangketa ang sinasakyan ng mga itong motorsiklo sa Km 221, Twin Peaks, Tuba, Benguet kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang mga nasawing biktima na sina Ruben  Jimenez 49, at utol nitong si George, 42 na kapwa tubong Camiling, Tarlac.

Sinasabing nag inuman muna ang magkapatid sa isang bar sa Kennon Road, Baguio City bago nagpasyang bumiyahe pauwi sa Tarlac sakay ng motorsiklo.

Ayon sa mga nakasaksi, masyadong matulin ang takbo ng motorsiklo ng mga biktima bunsod upang bumangga ang mga ito sa bangketa.  Sa lakas ng pagkakasalpok ay agad na nasawi ang magkapatid.

 

Show comments