BULACAN, Philippines - Tatlong armadong kalalakihan na pawang mga rebeldeng New People’s Army NPA na nangingikil ng revolutionary tax sa mga residente ang napatay makaraang makasagupa ang tropa ng Philippine Army sa bulubunduking bahagi ng Barangay Kabayunan sa bayan ng Doña Remedios Trinidad, Bulacan kahapon ng umaga.
Kasalukuyan pang inaÂalam ang pagkakakilanlan ng tatlong napatay habang isa namang sundalo ang nasugatan kung saan pansamantalang hindi ibinunyag ang pagkakakilanlan.
Base sa ulat ni Lt. Col. Alexie Musñgi, commander ng 48th Infantry Battalion, habang nagpupulong ang iba’t ibang sektor ng NGO’s, Philippine Army at PNP kaugnay sa Bayanihan ng Peace and DeveÂlopement Team ay lumapit ang isang impormante at ipinaalam ang presensya ng mga armadong rebelde.
Agad na rumesponde ang tropa ng militar sa pamumuno ni 2Lt. Giovannie Jade Pagaduan kung saan habang papalapit sa tinukoy na lugar ay umaliÂngawngaw ang sunud-suod na putok ng baril.
Dito na gumanti ng putok ang mga sundalo kung saan tumagal ng kalahating oras na bakbakan at bumulagta ang tatlong rebelde habang napilitang umatras ang iba pang NPA.
Agad na nagpadala ng karagdagang tropa si P/Supt. Ross Alvarado ng PNP-Provincial Public Safety Company kung saan narekober sa encounter site ang M-16 Armalite rifle, ilang bagpack at subersibong dokumento habang patuloy ang clearing operation ng militar.