^

Probinsiya

3 rebelde patay sa encounter

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines - Tatlong armadong kalalakihan na pawang mga rebeldeng New People’s Army NPA na nangingikil ng revolutionary tax sa mga residente ang napatay makaraang makasagupa ang tropa ng Philippine Army sa bulubunduking bahagi ng Barangay Kabayunan sa bayan ng Doña Remedios Trinidad, Bulacan kahapon ng umaga.

Kasalukuyan pang ina­alam ang pagkakakilanlan ng tatlong napatay habang isa namang sundalo ang nasugatan kung saan pansamantalang hindi ibinunyag ang pagkakakilanlan.

Base sa ulat ni Lt. Col. Alexie Musñgi, commander ng 48th Infantry Battalion, habang nagpupulong ang iba’t ibang sektor ng NGO’s, Philippine Army at PNP kaugnay  sa Bayanihan ng Peace and Deve­lopement Team  ay lumapit ang isang impormante at ipinaalam ang presensya ng mga armadong rebelde.

Agad na rumesponde ang tropa ng militar sa pamumuno ni 2Lt. Giovannie Jade Pagaduan kung saan habang papalapit sa tinukoy na lugar ay umali­ngawngaw ang sunud-suod na putok ng baril.

Dito na gumanti ng putok ang mga sundalo kung saan tumagal ng kalahating oras na bakbakan at bumulagta ang tatlong rebelde habang napilitang umatras ang iba pang NPA.

Agad na nagpadala ng karagdagang tropa si P/Supt. Ross Alvarado ng PNP-Provincial Public Safety Company kung saan narekober sa encounter site ang  M-16 Armalite rifle, ilang bagpack at subersibong dokumento habang patuloy ang clearing operation ng militar.

vuukle comment

ALEXIE MUS

BARANGAY KABAYUNAN

GIOVANNIE JADE PAGADUAN

INFANTRY BATTALION

NEW PEOPLE

PEACE AND DEVE

PHILIPPINE ARMY

PROVINCIAL PUBLIC SAFETY COMPANY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with