P1.5-B pinsala ng ITCZ
MANILA, Philippines - Umaabot na sa P1.5 bilyon halaga ng ari-arian ang napinsala habang 11-naman ang iniulat na namatay sa pananalanta ng flashflood sanhi ng nararanasang Inter Tropical Convergence Zone simula pa noong Hulyo sa Mindanao at Visayas Region, ayon sa ulat kahapon.
Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council Executive Director Eduardo del Rosario, panghuling nadagdag sa talaan ng mga namatay ay si Faty Malumpil na inabot ng panganganak matapos na malunod sa baha kasama ang sanggol nito at Emran Guiaman, 2, kapwa nakatira sa bayan ng Kabuntalan, Maguindanao.
Karamihan sa mga namatay ay sanhi ng pagkalunod habang 21 naman ang nasugatan habang isa ang nawawala.
Samantala, aabot naman sa P1,569,977,020.50 milyong halaga ng ari-arian ang nasalanta ng pagbaha sa Western Visayas, Zamboanga Peninsula at SOCSARGEN.
Umaabot din sa P68,550,000 ang pinsala sa imprastraktura at P1,5011,427,020.50 naman sa agrikultura.
Gayundin, nakaapekto rin ang pagbaha sa kabuuang 100,632 pamilya (503,122 katao) dulot ng LPAs habang 39 kabahayan naman ang nawasak at aabot sa147 bahay ang nagtamo ng pinsala.
Patuloy naman ang pamamahagi ng relief goods sa mga residenteng naapektuhan.
- Latest