MANILA, Philippines - Limang sundalo ang iniÂulat na nasugatan matapos na pasabugan ng landmine at pananambang ng mga rebeldeng New People’s Army sa Purok 2, Barangay Kauswagan sa bayan ng Loreto, Agusan del Sur kahapon ng umaga.
Ayon kay Lt. Col. Leo Bongosia, spokesman ng Army’s 4th Infantry Division, bandang alas-7:15 ng umaga nang magsagawa ng foot patrol opeÂrations ang tropa Army’s 26th Infantry Battalion pero sumabog ang landmine na itinanim ng NPA kung saan nasugatan ang lima.
Kabilang sa mga nasuÂgatan ay sina Pfc. Julbair Dassad, Pfc. Raphy John Teola, Pfc. Remar Edpalina, Pfc. Rene Lazaga at si Cafgu Emmanuel Batolina.
“All the wounded soldiers were hit by landmine blasts,†ani Bongosia na sinabing pawang Private First Class ang ranggo ng mga biktima na isinugod na sa ospital.
Sa kabila naman ng soÂpÂresang pag-atake ay kaagad namang sinagupa ng mga sundalo ang grupo ng NPA kung saan tumagal ng 10-minuto.
Pansamantalang nagÂlagay ng command post ang tropa ng military sa nabanggit na lugar kaugnay sa isinasagawang Bayanihan project sa komunidad.