Trader namatay sa kamay ng Sayyaf
MANILA, Philippines - Namatay sa kamay ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) ang maysakit na bihag na negosyanteng Malaysian habang nagawa namang makatakas ng pinsan nito makaraang makatulog ang kanilang bantay sa kagubatan ng Sulu, ayon sa opisyal kahapon.
Ito ang kinumpirma ni Col. Jose Johriel Cenabre, commander ng Task Force Sulu kaugnay sa pagkamatay ng bihag na si Chong Wei Fei, 33, plantation manager na sinasabing may sakit na diabetes at hypertension.
Namafay si Chong maÂtapos na lumala ang sakit dahil hindi nakainom ng gamot kaya tuluyang bumigay ang kalusugan habang nagpapalipat-lipat ng taguan ang mga bandido.
Ang pagkamatay ni Wei Fei noong Abril 18 ay nabatid ng mga awtoridad matapos na makatakas ang pinsan nitong si Chong Wei Jie, kahapon ng madaling-araw.
Nabatid na dinukot ang dalawa ng mga armadong Abu Sayyaf sa Lahad Datu, Malaysia noong Nobyembre 2012 kung saan dinala sa kabundukan ng Sulu.
Samantala, sa ulat ni P/Senior Supt. Abraham Orbita, namataan ng mga nagpapatrulyang security forces ang pagal na pagal sa matinding pagod ang nakatakas na bihag na si Wei Jie sa bahagi ng Brgy. Pasil sa bayan ng Indanan.
Nabatid din na nagpadala ng larawan ng magpinsan ang mga bandido kung saan inimail sa Lahad, Datu noong Marso 7, 2013.
Humihingi ng P10 milÂyong Malaysian ringgitang mga bandido sa pamilya ng mga bihag kapalit ng kalayaan.
- Latest