MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng 28-anyos na mister matapos itong ratratin ay pinugutan pa ng mga di-kilalang kalaÂlakihan sa Barangay Lower Calarian, Zamboanga City sa ZamÂboanga del Sur kamakalawa ng gabi.
Sa police report na natanggap ni Caraga PNP spokesman P/Chief Insp. Ariel Huesca, naganap ang malagim na krimen sa kahabaan ng Marlboro Drive sa nabanggit na barangay.
Nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Alraben Jallao.
Samantala, pinaghaÂhanap pa ang ulo ng biktima na nabigong makita ng mga operatiba ng pulisya.
Sa pahayag naman ng mga residente, bago ang umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril noong Linggo ng gabi ay isang lalaki ang nakita nilang kinakaladkad ng mga armadong kalalakihan ang sumisigaw ng saklolo kung saan naulit-ulit na sinasabing “Bakit ako ang sisisihin ninyo.â€
Matapos ang malakas na pagbuhos ng ulan ay nagulantang na lamang ang mga residente ng bumulaga sa kanila ang pugot na ulo ng bangkay ng lalaki na tadtad ng mga tama ng bala sa katawan kinabukasan.
Narekober ng mga opeÂratiba ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang 36-basyo ng bala ng M16 rifle at cal. 45 pistol habang 19-bala na hindi pa naiputok at sampu pang slugs ng cal. 45 pistol.
Pinaniniwalaan namang matindi ang galit ng mga suspek sa biktima dahil hindi pa nakontento sa pamamaril ay pinugutan pa.