‘Salvage’ victim isinako

CAVITE, Philippines - Isa na namang biktima ng summary execution ang  isinako at inabandona sa kahabaan ng Daanghari Road sa Barangay Molino 4, Bacoor City, Cavite kamakalawa. Nasa edad  30 hanggang 35 ang di-kilalang lalaki na may taas na 5’5 hanggang 5’7 talampakan at nakasuot ng checkered na short pants, walang pang itaas na damit, mahaba ang buhok at may tattoo ito sa katawan na Summy, Senon, Nelson at  STK. Sa pahayag ng mag-asawa sa pulisya, namataan nila ang isang puting van na walang plaka ang nagbaba ng sako sa madilim na bahagi ng nasabing lugar. Sa pag-aakalang basura ay inusisa nila kung saan lumantad ang duguang bangkay ng lalaki na binalutan ng packaging tape sa mukha at nakagapos.

 

 

Show comments