TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Umaabot sa 15-Tsino ang nadakma ng mga awtoridad makaraang maaktuhan sa iligal na pagmimina sa karagatan ng Cagayan kamakalawa ng hapon.
Ayon kay Presidential Legislative Officer Manuel Mamba, hepe ng Anti-mining Task Force, dalawa sa 15 dayuhan ang may kaukulang dokumento at pawang manggagawa ng Huaxia Trading and Mining Corp. na may opeÂrasyon sa dalampasigan ng Barangay Paddaya sa bayan ng Aparri, Cagayan.
Nasamsam din ng mga awtoridad ang mga heavy equipment at iba pang kagamitan sa pagmimina na nasa pangaÂngalaga ngayon ng Mines and Geosciences Bureau.
“We have earlier issued a stoppage order to Huaxia mining for conducting mining within the prohibited zone. We implemented the order with the NBI last Thursday and Friday,†pahayag ni MGB Regional Director Mario Ancheta.
Naunang nagpalabas ng stoppage order si Ancheta laban sa dalawang mining company na Lian Xing Philippines Curving Company Corp. at Land Wealth Resources Inc. na may operasyon ng pagmimina sa bayan ng Gonzaga, Cagayan subalit patuloy pa rin ang operasyon.
Kasalukuyang nasa custody ng Bureau of Immigration ang mga suspek at pormal namang kakasuhan.