Mag-asawa dinedo, ninakawan ng akyat-bahay

CAMARINES NORTE, Philippines - Brutal na pinatay ang mag-asawang matanda matapos pagtulungang saksakin ay pinalo pa ng martilyo ng dalawang miyembro ng Akyat-Bahay Gang sa loob ng kanilang tahanan sa Purok 4, Barangay Travesia sa bayan ng Guinobatan, Albay kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mag-asawang sina Felipe Toledo Sr. 74; at Angelita Toledo, 70,  na may negosyong pagpapautang sa ilang kapitbahay.

Samantala, malubha naman ang apo ng mag-asawa na si Albert “Tok-Tok” Toledo, 20, matapos paluin din sa ulo ng dalawang akyat-bahay.

Sa ulat ni PO3 Michel Culaway, matutulog na sana ang mag-asawa nang gulantangin ng dalawang di-kilalang lalaki na pumasok sa kanilang tahanan.

Dito na pinagtulungang saksakin at pagpapaluin ng martilyo ang mag-asawa kung saan sumaklolo naman ang apo na si Albert.

Maging si Albert ay pinagpapalo rin ng martilyo sa ulo kung saan naisugod naman sa Bicol Regional Teaching and Training Hospital.

Tinangay ng tatlong ak­yat-bahay ang hindi nabatid na halaga na nakatago sa aparador ng mag-asawang matanda.

 

Show comments