4-anyos ni-rape ng adik

MANILA, Philippines - Maagang napariwara ang kapalaran ng 4-anyos na nene matapos itong gahasain ng kanilang kapitbahay na sinasabing adik sa droga sa Gov. Camins Avenue, Zamboanga City, Zamboanga del Sur kamakalawa ng hapon. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, naganap ang krimen sa bahay ng suspek na si Jay “Jeje” Gregorio kung saan nadiskubre naman ng ama ng biktima ang pangagahasa. Nabatid na nagulat ang ama ng bata ng makitang umiiyak ang kaniyang anak na duguan ang short nang lumabas sa tinutuluyang bahay ng suspek. Nang suriin ng ina ang anak ay nakitang punit ang maselang bahagi ng ari nito at sa pautal-utal na salita ay itinuro ang suspek naaresto naman sa follow-up operation.

Show comments