Sekyu dedo sa agaw-armas

BULACAN, Philippines – Pinabulagta ang 45-anyos na securityguard matapos pagbabarilin ng dalawang miyembro ng Agaw-Armas Gang sa binabantayang gasolinahan sa Barangay San Juan, bayan ng San Miguel, Bulacan kahapon ng madaling-araw. Dalawang bala ng cal. 45 pistol ang tumapos sa buhay ni Ramil Angeles ng Barangay Calumpang sa nabanggit na bayan. Sa ulat ni PO1 Dennis Hernandez, nakatayo ang biktima sa  binabantayang gasolinahan nang lapitan at putukan sa ulo ng gunman. Tinangay ang shotgun at mga bala ng biktima bago tumakas ang grupo sa direksyon ng Biak-na-Bato sa nasabing bayan.

 

Show comments