BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Nagkasuntukan ang dalawang persoÂnalidad habang ginaganap ang huling araw ng barangay at Sangguniang Kabataan registration sa harap mismo ang opisina ng Comelec sa Barangay Lublub, bayan ng Alfonso Castañeda, Nueva Vizcaya kahapon.
Kinilala ng pulisya ang dalawa na sina Atty. Richard Asuncion, 37, tubong Castillejos, Zambales; at Jerry Bentrez, 32, barangay treasurer, ng Sitio Melina, Barangay Abuyo sa nasabing bayan.
Sa ulat na nakarating sa Nueva Vizcaya PNP Office, Lumilitaw na nakaupo si Asuncion kasama ang kanyang misis sa harap ng Comelec nang komprontahin ni Bentrez.
Ayon kay PO1 Delfin Espelimbergo, nairita si Asuncion sa mga binitiwang salita ni Bentrez kaya sinuntok nito sa kanang mata.
Gayon pa man, gumanti si Benitez at sinuntok naman si Asuncion sa bibig hanggang sa magkasuntukan sa harap ng mga tao kung saan inawat naman ng pulisya na rumesponde.
Napag-alaman nagalit si Bentrez kay Asuncion matapos sabihan ang ilang nasugatang biktima na maghain ng reklamo sa pulisya laban sa may-ari ng passenger jeepney (CPF 105) na si Bentrez na sinasabing nasangkot sa vehicular accident lulan ang mga magpaparehistro sana sa Comelec.