BATANGAS, Philippines– Nakaligtas sa salubong ni kamataÂyan ang 43-anyos na municipal councilor matapos tambangan ng riding-in-tandem sa kahabaan ng highway sa Barangay Carretonan, bayan ng Calatagan, Batangas kamakalawa ng gabi.
Naisugod sa Western Batangas Medical Center ang biktimang si Councilor Rexio Bautista bago inilipat sa isang ospital sa Maynila.
Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Omega Jireh Fidel, Batangas PNP director, nagmamaneho si Bautista ng puting Isuzu Highlander (WLN-871) kasama ang kanyang asawa nang harangin at ratratin pagsapit sa nasaÂbing lugar bandang alas-6:30 ng gabi. Nagtamo ng tama ng bala ng baril si Bautista sa likuran ng kanang tenga at sa kaliwang braso bago sumalpok ang kanilang sasakyan sa kongkretong poste.
Gayon pa man, wala namang sugat ang asawa ni Bautista sa insidente.
Tumakas ang dalawang gunmen na kapwa naka-itim na jacket at helmet lulan ng motorsiklo.
Narekober sa crime scene ang anim na basyo ng cal. 45 pistol.
Si Councilor Bautista ang nakakuha ng pinakamaraming boto sa pagka-konsehal ng Calatagan sa katatapos lang na May 2013 midterm elections.