CAMP SIMEON OLA, Legazpi City , Philippines– Pinugutan ang 23-anyos na lalaki ng kanyang kainumang kapitbahay makaraang magkapikunan kamakalawa ng gabi sa Barangay Cadlan, bayan ng Pili, Camarines Sur. Kinaumagahan na natagpuan ang bangkay ni Henry Cortezano sa loob ng bahay ng suspek na si Ruben Capardo, 50, tubong Barangay Harubay, Calabanga, Camarines Sur. Huling namataang buhay ang biktima na nakikipag-inuman sa suspek bandang alas-10 ng gabi. Sinisilip ng mga imbestigador ng pulisya ang anggulong may kaugnayan sa naganap na nakawan sa nabanggit na sangkot ang anak ng suspek kung saan naging testigo ang biktima.