Lider ng carnapping gang , 3 pa tiklo

BULACAN, Philippines – Nalambat ng mga awtoridad ang lider ng notoryus na carnapping gang at tatlo nitong tauhan na itinuturong responsable sa pagpatay sa isang Overseas Filipino Worker (OFW) na kinarnap ng mga ito ang sasakyan sa follow-up operation sa Brgy. Bagong Nayon, Baliuag, Bulacan kahapon.

Kinilala ang mga nasakote na sina Rommel “Bumbay” Villacorta, 33, lider ng grupo at residente ng Brgy. Poblacion.

Ang iba pa na sumunod namang nasakote ay sina Reynaldo Manalad, 43 anyos; Jimmy Quilonio, 45 at Renante Domingo, 38 taong gulang. Si Villacorta ay nasamsaman ng isang granada at dalawang sachet ng shabu.

Base sa ulat ni Chief Ins­pector. Rodolfo Santiago II ng Criminal Investigation and Detection Team ng Bulacan dakong alas-5 ng hapon ng makatanggap siya ng impormasyon sa presensya ng mga suspek sa lugar kaya agad nagsagawa ng raid ang mga awtoridad at nasakote si Villacorta na ikinanta naman ang pinagtataguan ng kaniyang mga kasamahan na nalambat rin sa follow-up operation.

Sa tala, ang grupo ni Villacorta ang responsable sa pagpatay sa OFW na si Angelito O’Santos ng Malolos City noong Hunyo 16, 2013 matapos na puwersahang karnapin ang Hyundai Accent (TQW-756) ng biktima na ibinenta ng grupo sa Cagayan de Oro City.

 

Show comments