Opisyal ng labor group niratrat

CAVITE, Philippines – Pinagbabaril at nasugatan ang 51-anyos na opisyal ng labor group ng motorcycle-riding gunmen sa harapan ng tindahan sa Trece Martirez City, Cavite kahapon ng umaga. Nagtamo ng tama ng bala sa balikat at likurang bahagi ng katawan ang biktimang si Johannes Baytan, vice president ng Associated Fe­deration of Labor Union ( AFLU). Ayon kay P02 Richard Chavez, patungong DOLE ang biktima para dumalo sa preliminary hearing kaugnay sa petisyon ng mga kawani na magsasagawa ng election sa kanilang kompanya nang lapitan at pagbabarilin ng gunmen. Naisugod naman sa ospital ang biktima habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments