Barangay tanod, itinumba

CAVITE, Philippines – Napatay ang 37-anyos na barangay tanod habang nakaligtas naman ang anak nitong lalaki makaraang pagbabarilin ng di-kilalang lalaki sa bahagi ng Barangay Zapote 2 sa Bacoor City, Cavite kahapon ng umaga. Dalawang bala sa ulo ang tumapos sa buhay ni Jose Mandino Babingao habang nakaligtas naman ang anak na si Raymond Babingao. Base sa police report, magkausap ang mag-amang Babingao sa labas ng kanilang bahay nang lapitan at ratratin ng maskaradong lalaki. Tangka ring paslangin ang batang Babingao subalit nakatakbo at nakalayo sa crime scene.

Show comments