Retiradong pulis itinumba

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Napatay ang isang retiradong pulis makaraang pinagbababaril ng tatlong miyembro ng liquidation squad ng rebeldeng New People’s Army habang naglalakad papauwi kahapon ng umaga sa Barangay Gadgaron, bayan ng Matnog, Sorsogon. Sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Ramon Ranara, katatapos lang mag-jogging ng biktimang si ex-SPO1 Virgilio Garra nang lapitan at ratratin ng tatlong kabataang NPA. Napuruhan sa ulo ang biktima habang tumakas palakad ang gunmen na animo’y walang naganap na pamamaril.

Show comments