Ambush: Mag-ama, 1 pa tumba

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Napaslang ang mag-ama at isa pang bata matapos tambangan ng mga di-kilalang lalaki sa Barangay Iluru , bayan ng Rizal, Cagayan kamakalawa. Sa ulat na nakarating kay Cagayan PNP director P/Senior Supt. Gregorio Lim, kinilala ang mga biktima na sina Randy Caddauan, 38, ex-Cafgu; anak na si Jerry Caddauan,13; at si Kerby Quibang, 11, pawang nakatira sa Barangay Gagabutan. 
Base sa ulat, lulan ng motorsiklo ang mga biktima nang ratratin pagsapit sa nabanggit na barangay. Ayon sa misis ni Randy na si Helen, may bahid pulitika ang pamamaslang sa kanyang mister dahil sa nalalapit na halalan ng barangay. May palatandaan din na sinaksak ang mga biktima para masigurong patay lahat.

Show comments