Negosyante dedo sa sunog

NUEVA ECIJA, Philippines – Masaklap na kamatayan ang sinapit ng 30-anyos na negosyante makaraang makulong sa nasusunog na inuupahang business establishment sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Zulueta, Cabanatuan City, Nueva Ecija kamakalawa ng madaling-araw. Sa police report na nakarating kay P/Supt. Pedro D. Soliba, hepe ng Cabanatuan City PNP, kinilala ang biktima na si Jeffrey Padolina, may-asawa, ng Barangay Balite. Pinaniniwalaang nakatulog ang biktima sa inuupahang gusali nang sumiklab ang sunog bandang alas-2 ng madaling-araw.

Show comments