3 tumba sa salpukan ng bike

MANILA, Philippines - Tatlo-katao ang iniulat na namatay makaraang magbanggaan ang dalawang motorsiklo sa kahabaan ng highway sa Barangay Guinoman, bayan ng Diplahan, Zamboanga Sibugay kamakalawa ng gabi. Kinilala ang mga biktima na sina Jenifer Calunod, Jovenson Gomera, 18; at si Juvy Gomera, 25, na kapwa namatay habang ginagamot sa Wilfredo Palma Memorial Hospital. Lumilitaw na magkaangkas sa motorsiklo ang mag-utol na Gomera nang makasalpukan ang motorsiklo ni Calunod pagsapit sa highway na sakop ng Purok San Francisco sa Barangay Guinoman. Sa lakas ng banggaan ay bumaliktad sa gitna ng highway ang motorsiklo ng mag-utol nina Gomera at ang motorsiklo ni Calunod.

Show comments