^

Probinsiya

4 namugot sa magbayaw, tiklo

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Apat sa limang pangunahing suspek sa brutal na pamumugot at pagpatay sa magbayaw na magsasaka ang isinuko sa pulisya ng chairman sa Barangay San Jose, bayan ng Flora, Apayao kahapon.

Kinilala ni Apayao PNP director P/Senior Supt. Albert­lito Garcia ang mga suspek na sina Oliver Aligan, mag-uutol na Felix Dagdagan, Marcelino Dagdagan at si Emerson Dagdagan.

Samantala, tugis pa rin ang isa pang suspek na si George Palacay.

Ayon sa pulisya, ang mga suspek ay namataang kainuman ng mga biktimang sina Emerson Furuganan, 43; at Reynante Menor noong Hulyo 3 ng gabi bago mawala ang magbayaw.

Batay sa extrajudicial confession ng apat na ibinigay kay Atty. Chandra Usita, lumilitaw na may matagal nang alitan ang pamilya ng mga suspek at mga biktima na hindi naman nabatid ang pinag-ugatan.

Napag-alamang sumuko kay Barangay Chairman Rimando Sabado ang mga suspek bago dinala sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.

Matatandaan na pinugutan at tsinap-chop ng mga suspek ang magbayaw saka isinako at inilibing sa mababaw na hukay sa nasabing barangay.

vuukle comment

APAYAO

BARANGAY CHAIRMAN RIMANDO SABADO

BARANGAY SAN JOSE

CHANDRA USITA

EMERSON DAGDAGAN

EMERSON FURUGANAN

FELIX DAGDAGAN

GEORGE PALACAY

MARCELINO DAGDAGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with