^

Probinsiya

Magsasaka natusta sa kidlat

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

CAMP VILLAMOR, Abra, Philippines – Matalim na kamatayan ang dumapo sa 31-anyos na magsasaka makaraang tamaan ng kidlat sa gitna ng palayan sa bayan ng Lagangilang, Abra noong Linggo ng hapon. Kinabukasan ng Lunes ay natagpuan ang sunog na katawan ni Crisanto Ancheta Tuzcano liblib na palayan sa Sitio Tungilaw sa Barangay Laguiben. Sa ulat ang pulisya, lumilitaw na nagpaalam ang biktima sa kanyang pamilya para kumuha ng talbos ng kawayan at kabute subalit hindi na nakauwi noong Linggo ng gabi. Nabahala naman ang pamilya ng biktima kaya pinagtulungan hanapin kung saan natagpuan ng dalawang pamangking sina Reymel Tuscano Barbosa  at Joel Tuscano Barbosa ang sunog na katawan ni Crisanto. Naniniwala naman ang pamilya ng biktima na tinamaan ng matalim na kidlat ang magsasaka habang ito ay nasa gitna ng palayan.

ABRA

BARANGAY LAGUIBEN

CRISANTO

CRISANTO ANCHETA TUZCANO

JOEL TUSCANO BARBOSA

KINABUKASAN

LAGANGILANG

LINGGO

REYMEL TUSCANO BARBOSA

SITIO TUNGILAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with