Kagawad patay sa ambush

MANILA, Philippines - Napaslang ang 49-anyos na barangay kagawad matapos ratratin ng dalawang lalaki na nakamotorsiklo sa kahabaan ng highway sa Brgy. Sta Lucia, Pagadian City, Zamboanga del Sur kamakalawa. Kinilala ni P/Inspector Ariel Huesca, spokesman ng PNP regional office ang napatay na si Kagawad Eliseo  Chua Mituda ng Barangay Dumagoc. Nabatid na nagmomotorsiklo ang biktima na kaangkas si Eduardo Lesmoras nang harangin at pagbabarilin ng tandem pagsapit sa hangganan ng Purok Lawis at Purok Makabibihag sa Barangay Sta Lucia. Nakaligtas naman ang angkas nito matapos na makatalon mula sa motorsiklo at magtatakbo.

Show comments