Tangkang pagpapasabog sa PPUR, nasilat

MANILA, Philippines - Naagapan ang tangkang pagpapasabog sa pamosong Puerto Princesa Underground River (PPUR) matapos na marekober ang itinamin na bomba sa daungan ng Sitio Sabang, Barangay Cabayugan sa nasabing lungsod sa Palawan.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Abad Osit, director ng Puerto Princesa City PNP, bandang alas-8:20 ng umaga nang matagpuan ang isang uri ng eksplosibo sa bahagi ng PPUR sa Puerto Prin­cesa City.

 â€œWalang pagsabog na nangyari, kundi pinaputok namin after makita ng mga pulis ‘yung improvised explosive device. Blast-in-place ang tawag namin doon,” paliwanag ni Osit na nilinaw ang unang mga napaulat na may pambobom­ba sa PPUR.

Nag-detonate ng bomba ang narinig ng mga nagpanik na turista at mga vendor na may 4-5 kilometro ang layo sa nasabing underground river.

Nabatid na isang vendor ang nag-report sa pulis­ya makaraang mamataan ang bomba na gawa sa pyrotechnics at binalot ng masking tape saka nilagyan din ng mga bubog.

Samantala, pansamantalang kinansela ng management ng PPUR ang pagpapasok ng mga turista habang nagsasagawa ng clearing operation ang mga operatiba ng pulisya.

 

Show comments