Kelot dinedo ng karibal

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Pinabulagta ang 22-anyos na binata matapos itong saksakin ng kanyang karibal sa pag-ibig sa Barangay Pulo Dacu, bayan ng Mandaon, Masbate kamakalawa ng gabi. Sa ulat ng pulisya, pauwi na ang biktimang si Antonio Bandoquillo mula sa pangliligaw sa dalagang nililiyag nang harangin at saksakin ng suspek na si Arlan Villaruel. Pinaniniwalaang matinding selos ang isa sa motibo ng suspek dahil nanliligaw ito sa dalaga na nililigawan naman ng biktima.

 

 

Show comments