Magka-live-in tiklo sa drug bust

NUEVA ECIJA , Philippines   â€“ Bagsak-kalaboso ang magka-live-in makaraang arestuhin ng mga operatiba ng pulisya sa inilatag na buy-bust operation sa kahabaan ang Maharlika Highway sa Barangay Bitas, Cabanatuan City, Nueva Ecija noong Miyerkules ng gabi. Kinilala ni P/Supt. Pedro D. Soliba, hepe ng pulisya, ang mga suspek na sina Miguel Vicente ng Purok 3, Barangay Bakero; at Loreneth Domingo, 23, ng Barangay Pag-asa, Talavera, Nueva Ecija. Nasamsam sa mga suspek ang 61 plastic sachet ng methampethamine hydrochloride (shabu), cal.45 pistol, mga bala, timbangan, Toyota Fortuner (UOF 406) at ang P18,000 marked money na ginamit sa buy-bust operation.

Show comments