BAYOMBONG, Nueva Vizcaya , Philippines – Tila hindi man lamang natinag ang mga operator at mga nasa likod ng jueteng matapos balewalain ang executive order ng bagong gobernador na nagpapatigil sa operasyon ng mga sugal sa nasabing lalawigan.
Ito ay matapos na magpatuloy sa pangongolekta at pagpapataya ang mga kolektor sa ibat-ibang bayan partikular na ang malalaking bayan ng Bambang, Solano at Bayombong.
Sa kautusan ni Governor Ruth Padilla na may petsang Hulyo 2, nakasaad ang pagpapatigil ng mga pulis sa jueteng operation at iba pang pasugalan sa buong lalawigan.
Sabalit sa kabila ng order na ipinalabas ng gobernador ay lalong lumakas ang operasyon ng jueteng kabilang na ang operasyon ng Meridien Vista Gaming Corporation.
“Hindi kayang pahintuin ni Gov. Padilla ang Meridien dahil legal naman ito, o baka naman may gusto lang silang ipasok na ibang opeÂrator kaya kami pinapatigil,†pahayag ni Mang Domeng na kilalang bet collector.
Sa panig ni P/Senior Supt. Valfrie Tabian, sumusunod naman sila sa nasaÂbing kautusan ni Padilla suÂbalit kinakailangan pag-aralang mabuti ang mga ebidensiya laban sa Meridien dahil maraming pulis ang kinasuhan dahil sa pagpaptigil sa kanilang operasyon.
“We can’t just stop its opeÂration as they have papers to operate online gaming. But if it found to be operating illegally, then we’ll make the necessary action,†pahayag ni Tabian.