MANILA, Philippines - Patay ang isang negosÂyanteng Filipino-Chinese matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakilalang motorcycle riding in tandem na mga armadong salarin sa ambush sa Brgy. Dumagoc, Pagadian City, Zamboanga del Sur kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang nasawing biktima na si James Tan, 32 anyos, goldsmith shop owner, dead-on-the-spot sa tinamong mga tama ng bala ng cal 380 pistol sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Sa imbestigasyon, siÂnabi ni Chief Inspector Ariel Huesca, Spokesman ng Police Regional Office (PRO)9 dakong alas-8:35 ng gabi ng maganap ang insidente sa Purok Silao, Brgy. Dumagoc ng lungsod.
Kasalukuyang lulan ang biktima ng kaniyang motorsiklong XRM Honda(JJ2499) nang sundan ng mga salarin na magkaangkas rin sa motorsiklo at pagsapit sa lugar ay pinagbabaril ang biktima ng isa sa mga suspek na agad nasawi sa insidente.
Samantalang bago tumakas ay kinuha pa ng suspek ang gintong kuwintas na suot ng biktima.
Isinasailalim pa sa imbestigasyon ang motibo ng krimen.