7 tiklo sa illegal fishing

CAMARINES NORTE, Philippines – Pito-katao ang bumagsak sa kulungan makaraang arestuhin ng pangkat ng Bantay-Dagat at pulisya na nangingisda sa karagatang sakop ng Barangay Pulang Guit-guit, bayan ng Sta. Elena, Camarines Norte kamakalawa ng umaga. Kinilala nina P/Insp. Andres Telles Jr. at Pepito Anonuevo ng Bantay-Dagat ang mga suspek na sina Ernesto Balanac Borromeo, Ferpecto San Antion, Jun Jun Dolor, Manuel Borromeo, Crisanto Calzado, Angelo Navia,  Melchor Bermas na pawang mga  residente ng Purok 3, Barangay San Lorenzo, Sta. Elena, Camarines Norte. Nakumpiska sa F/B Art bevs na pag-aari ni Roger Marvilla ang tatlong  styrofoam boxes na naglalaman ng maliliit na isda.

Show comments