CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Pinabulagta ang dalawang sibilyan na sinasabing mga tiktik ng pulisya at militar makaraang pagbabarilin ng mga rebeldeng New People’s Army sa magkahiwalay na bayan sa lalawigan ng Masbate kamakalawa ng gabi. Si Rolly Sardual, 38, may asawa, fish vendor, ng Barangay Tangue sa bayan ng Pio V.Corpus ay niratrat habang pauwi bandang alas-7:20 ng gabi. Samantala, si Manuel Balig, 63, magsasaka, ng Sitio Batanes ay pinagbabarilin din ng mga rebelde habang paapuwi rin sa Barangay Sta. Cruz sa bayan ng Palanas, Masbate.