4,000 apektado ng tubig-baha

NORTH COTABATO, Philippines – Umaabot sa 4,676  katao mula sa apat na barangay ang naapektuhan ng tubig-baha dulot ng malakas na buhos ng ulan  sa bayan ng Pigcawayan, North Cotabato noong nakalipas na araw.

Sa pinakahuling ulat ni Social Welfare Officer Mariam Joy Quilban, kabilang sa lubog sa tubig-baha ay ang mga Barangay Bulucaon, Datu Mantil, Upper Pangankalan at ang Barangay Lower Pangankalan.

Matinding sinalanta ng pagbaha ang Barangay Bulucaon kung saan nagsilikas ang 1,000 residente at pansamantalang nanunuluyan sa evacuation center.

Sa ngayon, aabot sa 953 pamilya ang naapektuhan ng pagbaha maliban pa sa mga pananim na sinalanta rin. 

Sa kasalukuyan ay wala pang opisyal na ulat ang agricultural office ng Pigcawayan kaugnay sa halaga ng danyos ng pinsala sa pananim at iba pa.

Naghahanda na rin ang lokal na pamahalaan para sa pagbibigay ng mga relief assistance sa mga biktima ng tubig-baha.

Show comments