^

Probinsiya

Pulis itinumba sa school

Pilipino Star Ngayon

BATANGAS, Philippines – Maagang nagwakas ang serbisyo ng bagitong pulis matapos pagbabarilin at mapatay ng di-kilalang lalaki  na ikinasugat naman ng 8-anyos na mag-aaral sa  bayan ng Padre Garcia, Batangas kahapon ng umaga. Kinilala ni P/Senior Inspector Joel Ilagan, hepe ng Padre Garcia PNP ang napatay na si PO2 Dominic Bituin, naka-assign sa Provincial Special Operations Group (PSOG) ng Batangas Police Provincial Office (BPPO). Sugatan naman si John Rio Catibog y Bernadas, grade 3 pupil ng Padre Garcia Central School. Ayon sa ulat, naghatid lang ng anak si PO2 Bituin sa naturang paaralan nang lapitan at ratratin ng gunman na naka-gray bandang alas-6:40 ng umaga. Nadamay naman ang batang si Catibog nang tamaan ng ligaw na bala ng cal. 9mm pistol sa dibdib kung saan naisugod sa NL Villa Hospital sa Lipa City.

 

vuukle comment

AYON

BATANGAS

BATANGAS POLICE PROVINCIAL OFFICE

DOMINIC BITUIN

JOHN RIO CATIBOG

LIPA CITY

PADRE GARCIA

PADRE GARCIA CENTRAL SCHOOL

PROVINCIAL SPECIAL OPERATIONS GROUP

SENIOR INSPECTOR JOEL ILAGAN

VILLA HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with