Chairman tiklo sa buy-bust

CEBU CITY, Cebu, Philippines  â€“ Kalaboso ang binagsakan ng 34-anyos na barangay chairman at kaibigan nitong mekaniko makaraang maaresto ng mga tauhan ng Phil.  Drug Enforcement Agency (PDEA) sa inilatag na buy-bust operation noong Biyernes sa bahagi ng Barangay Punta Tabuc sa Roxas City, Capiz. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Chairman Diaster Genoves ng Barangay Pili, bayan ng Panay, Capiz; at Arturo “King” Sarosa, 31, may-ari ng drug den kung saan isinagawa ang buy-bust operation. Ayon kay PDEA-6 Regional director Ronnie Delicana, isinailalim sa 3-buwang surveillance si Genoves matapos makatanggap ng impormasyon na nagbebenta ito ng droga sa pension house sa Roxas City. Itinanggi naman ni Chairman Genoves na sangkot siya sa bentahan ng bawal na droga subalit inamin nito na gumagamit siya ng droga paminsan-minsan.

Show comments