Lola nagbigti sa alitan sa lupa

MANILA, Philippines - Dahil  sa alitan sa lupa, nag-suicide ang 74-anyos na lola matapos itong magbigti sa  loob ng kanilang tahanan sa Purok III, Barangay Golictop, bayan ng Midsalip, Zamboanga del Sur kamakalawa ng hapon. Lawit ang dila, luwa ang mga mata at nangingitim na ang katawan nang madiskubre ng manugang ang biyudang biktima na si Felicisima Capangpangan. Base sa imbestigasyon, sinabi ng ilang miyembro ng pamilya ng matanda na bago ang pagpapatiwakal ay nasambit nitong mabuti pang magpakamatay na siya bunga ng problema sa matinding alitan sa lupa. Hindi naman tinukoy sa ulat kung sino ang kaalitan ng matanda sa suliranin nito sa malawak nitong lupain.

 

Show comments