Matansero kinatay ng kabaro

CAVITE, Philippines - Tinadtad ng saksak hanggang sa mapatay ang 30-anyos na matansero ng dalawa nitong kabaro sa mismong slaughter house bago inihulog mula sa tulay sa Barangay Sampaloc 1, Dasmariñas City, Cavite kamaka­lawa ng gabi. Dakong alas-9 ng gabi nang matagpuan sa Paredes Bridge ang bangkay ng biktimang si Erold Dela Cruz, stay-in worker sa slaughter house habang tugis naman ng pulisya ang mga suspek na sina William Ana at Mario “Dodong” Banayag. Sa ulat ni P02 Ronelo Abas, nagkapikunan sa biruan ang biktima at mga suspek kaya nauwi sa pamamaslang at para maitago sa krimen ay inihulog ang duguang katawan ng biktima sa nasabing tulay.

Show comments