Magkaibigan inutas sa inuman

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines –Napatay ang magkaibigang lalaki matapos saksakin ng kanilang kainuman na sinasabing napikon sa biruan kamakalawa ng gabi sa bayan ng Libmanan, Camarines Sur. Kinilala ng pulisya ang mga napatay na sina Danilo Bonyaga, 24; at Michael Francisco, 23, habang tumakas naman ang suspek na si Jonel Base. Napag-alamang nag-iinuman ang mga biktima at suspek nang mapikon ito sa sinabing torpe sa nililigawang dalaga. Dito nagalit ang suspek at pinagsasaksak ang dalawang kainuman.

Show comments