Misis tumanggi sa sex, dinedo

CEBU CITY, Cebu, Philippines – Dahil sa pagtangging makipagtalik ay pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang 25-anyos na misis ng kanyang nobyo sa Barangay Quiot, Cebu City kamaka­lawa. Tadtad ng saksak sa katawan ang biktimang si Jeysila Muñoz, labandera, at pansamantalang nakatira sa nabanggit na barangay. Pormal namang kinasuhan ang suspek na si Benedicto Logreno, 48, laborer. Base sa pagsisiyasat ng Homicide Section, tumakas at nagtago si Muñoz matapos halayin ng suspek sa bahagi ng Sitio Viewhills. Namataan naman ng suspek ang biktima kaya pinasok nito sa boarding house ng kaibigan kung saan nakatakbo naman palabas. Dito na hinabol ng suspek at pinagsasaksak ang biktima. Inamin ng suspek na naging nobya niya ang biktima subalit itinangging hinalay ang naging kasintahan. Naaresto ang suspek sa pantalan ng Barangay Poblacion para sumakay ng bangka patungong San Carlos City, Negros Occidental. Freeman News Service

Show comments