CAMP SIMEON OLA, Legazpi City , Philippines - Walong rebeldeng New People’s Army (NPA) kabilang ang dalawang amasona ang iniÂulat na napatay makaraang makasagupa ang tropa ng militar sa liblib na bahagi sa Barangay Calmayon, bayan ng Juban, Sorsogon kahapon ng umaga.
Sa ulat ni Col. Joselito Kakilala, commander ng Army’s 903rd Infantry Brigade, bandang alas-6 ng umaga nang sumiklab ang sagupaan habang nagsasagawa ng combat operations ang tropa ni Army’s 31st Infantry Battalion Commander Lt. Col. Beerjenson Aquino.
Makalipas ang 35-minutong bakbakan ay nagsiatras naman ang mga rebelde na inabandona ang tatlong kasamahang napatay.
Nabatid na malaki ang naitulong ng mga sibilyan na nag-tip sa tropa ng militar sa presensya ng mga rebelde na sinasabing nangongolekta ng revolutionary tax.
Narekober sa pinangyarihan ng engkuwentro ang bangkay ng mga rebelde, tatlong baby Armalite, dalawang M16 rifle na may nakakabit na M203 grenade launcher at improvised explosive device. Ed Casulla, Francis Elevado at Joy Cantos