1 dedo, 4 grabe sa kidlat

MASBATE CITY, Philippines – Sinalubong ni kamatayan ang 61-an­yos na kapitan ng bangka habang malubha namang nasugatan ang apat na iba pa matapos na tamaan ng kidlat sa karagatan ng Barangay Guinbanhawan, bayan ng Balud, Masbate kahapon ng tanghali. Nakilala ang nasawi na si Vicente Novejas habang su­gatang naisugod sa Balud Hospital sina Jaime Ja­renaho, 61;  Elmer Labuyo, 27; Anilita Balintacaho, 41; at si Richard Orollo, 36, crew ng bangka. Sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Heriberto Olitoquit, naglalayag ang M/B Lady Eve patungong bayan ng Balud mula sa Roxas City nang tamaan ng kidlat ang mga biktima. Naapula naman ang apoy na kumakalat sa bangka matapos rumesponde ang pangkat ng Phil Coast Guard.

 

Show comments