Retiradong pulis nilikida

ISULAN, Sultan Kudarat, Philippines – Bulagta ang retiradong pulis makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins sa bahagi ng Barangay Kenram sa bayan ng Isulan, Sultan Kudarat, kahapon. Sa report ng pulisya, kinilala ang napatay na si ex-P/Supt. Teofilo Kinazo na nagretiro noong 2008. Sa ulat ng pulis­ya, lumilitaw na nagmamaneho ng sasakyan ang biktima sa national highway nang dikitan at ratratin ng gunmen pagsapit sa nabanggit na barangay. Isinugod pa ang biktima sa pinakamalapit na pagamutan subalit idineklarang patay ng mga doktor habang patuloy naman ang pagsisiyasat.

 

Show comments