^

Probinsiya

4 ‘sinalvage’, natagpuan

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

MAKILALA, North Cotabato, Philippines – Apat-katao na pinaniniwalaang nadale ng summary execution ang natagpuan sa gilid ng national highway sa Barangay Sinkatulan, bayan ng Makilala, North Cotabato kahapon ng madaling-araw.

Sa report ni P/Chief Insp. Joyce Birrey, hepe ng Makilala PNP ang mga biktima ay nagtamo ng mga tama ng bala ng baril partikular sa mukha at ulo.

Sa police report, inilarawan ang unang biktima na naka-itim na t-shirt at outdoor pants, nasa 5’2 ang taas, kayumanggi habang ang ikalawa ay naka-sweat shirt na may kulay kombinasyon ng dilaw at asul, maong pants at may taas na 5’2 talampakan.

Samantala, ang ikatlong bangkay ay naka-sweat shirt din at maong na pantaloon pang ibaba at may taas na 5’2 habang ang ikaapat na bangkay ay may kapareho ding suot na asul at naka-maong pants.

Narekober sa crime scene ang 5-basyo ng cal.45 pistol, car astray na pinaniniwalaang mula sa sasakyan ng mga suspek at isang unit ng HD 111 Kawasaki motorcycle (MN 2091).

Malaki ang paniniwala ng pulisya na pinaslang sa ibang bayan ang mga biktima at itinapon sa nasabing lugar para iligaw ang mga nagsisiyasat.

 

vuukle comment

APAT

BARANGAY SINKATULAN

CHIEF INSP

JOYCE BIRREY

KAWASAKI

MAKILALA

MALAKI

NAREKOBER

NORTH COTABATO

SAMANTALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with