Obrero dinedo sa selos
CAVITE , Philippines – Pinaniniwalaang selos ang isa sa motibo kaya pinagsasaksak at napatay ang 30-anyos na obrero ng kanyang karibal sa pag-ibig kamakalawa ng hapon sa Barangay San Francisco, bayan ng General Trias, Cavite. Naisugod pa sa General Emilio Aguinaldo Hospital subalit idineklarang patay ang biktimang si Harold Bangati ngTropical Village Pabahay sa nasabing barangay.Tinutugis naman ng pulisya ang suspek na si Jhune Villon, 39, ng Block 13 Lot 10 Tropical Village sa nabanggit na bayan. Ayon kay P02 Darwin Manalo, magkaribal ang biktima sa pag-ibig at nang magkasalubong sa kalsada ay naganap ang pamamaslang sa biktima.
- Latest