Kuta ng mga kidnapper binomba, 2 Sayyaf utas
MANILA, Philippines - Dalawang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang napaslang habang isa pa ang nasugatan sa isinagawang airstrike operation sa kuta ng mga kidnapper ng magkapatid na Fil-Algerian sa Sitio Minjay, Patikul, Sulu kamakalawa.
Kinilala ang mga napaslang na sina Kasim Hajan at Rakman Malim, pawang kasapi ng ASG at umano’y responÂsable sa pagbihag sa mga biktimang sina Linda Abdel Basit at Nadova Abdel Basit.
Ang Basit sisters, kapwa film maker ay kinidnap ng pitong mga armadong bandido na pinamumunuan umano ni Commander Ninok Sapapari noong Hunyo 22 sa Sitio Baunuh, Brgy. Liang, Patikul, Sulu.
Nasugatan din sa operasyon ang isa pang ASG member na si Muhammad Nur Sawajaan.
Si Sawadjaan ay anak ni Abu Sayyaf Sub-leader Hatib Hajan Sawajaan na nagkukuta sa kagubatan ng Sulu.
Bandang alas- 11 ng tanghali nang ibagsak ng MG520 attack helicopter ang bomba sa pinagkukutaan ng mga bandidong Abu Sayyaf Group.
Nagpapatuloy ang search and rescue operations sa magkapatid na film makers.
- Latest