Radio station grinanada

MANILA, Philippines - Umalingawngaw ang malakas na pagsabog matapos hagisan ng granada ng riding-in-tandem ang radio station kung saan malubhang nasugatan ang isang janitor kahapon ng umaga sa Agro Site, South Poblacion sa bayan ng Maramag, Bukidnon. Kinilala ni Bukidnon P/Senior Supt. Glen de la Torre ang biktima na si  Celso Cañamo na naisugod sa Bukidnon Provincial Hospital. Nabatid na nagpro-programa ang brodkaster na si Joas Dignos sa dxGT Radyo Abante 92.1 FM nang pasabugan ng granada ang bahagi ng istasyon. Sinabi naman ni Cocoy Medina, program director ng nasabing FM station,  si Dignos ang posibleng target dahil sa announcer’s booth mismo inihagis ang granada na malubhang ikinasugat ng kanilang janitor.

Show comments