Totoy utas sa kidlat
MANILA, Philippines - Dinukot ni kamatayan ang 13-anyos na elementary pupil makaraang tamaan ng kidlat habang papasok ng klasrum sa kanilang paaralan sa Barangay Nazareth, bayan ng Kabasalan, Zamboanga Sibugay noong Martes ng hapon. Binawian ng buhay habang isinusugod sa Pathfinder Estate Hospital ang biktimang si Alberto Selen Jr., Grade VI sa Nazareth Elementary School. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naglalaro sa labas ng klasrum kasama ang dalawa nitong kamag-aral ng biglang umambon at kasunod nito ay matalim na kidlat na sumapul sa katawan ng bata. Kapapasok lamang sa klasrum ng dalawang kamag-aral ng biktima matapos na umambon at nasa hulihan ito nang tamaan ng kidlat.
- Latest